-- Advertisements --

Napilitang ipatigil ng mga organizers ang libreng show ni DJ Fatboy Slim sa isang car park ng night club sa Bristol dahil sa pagdagsa ng mga tao.

Mula kasi ng ianunsiyo ni DJ Eats Everything ang joint free event sa Lakota sa kaniyang social media ay hindi na makontrol ang pagdami ng mga tao.

Sa unang plano kasi ay gagawin sana ito sa south Bristol underpass pero ito ay inilipat ng biglaan.

Ayon kay Lakota club co-owner Marti Burgess na hindi na nakayanan ng kanilang security ang dami ng mga tao na umaakyat na sa mga pader kaya napilitan silang kanselahin ang event.