-- Advertisements --


Isinusulong ng Makabayan bloc sa Kamara ang panukalang libreng COVID-19 mass testing para sa mga kinukonsiderang “suspect” sa sakit, pati na rin ang mga nakahalubilo ng probable at confirmed cases, high-risk communities, health workers at iba pang napapabilang sa vulnerable sectors.

Hangad ng House Bill No. 6848 o ang “Free Mass Testing Act of 2020” na malaman ang lawak ng COVID-19 transmission at infection sa bansa.

Sa pamamagitan nito ay naniniwala ang mga kongresista na magiging mas maalam ang pamahalaan sa karampatang datos para maresolba ang problema sa COVID-19 pandemic.

“Supposedly, the Filipinos were locked to community quarantine to buy more time for the government to prepare the country’s health care system and put health and medical solutions in place to prepare for the surge of infection,” saad ng mga kongresista.

“However, even after two months of community quarantine, the government miserably failed to meet its sea-imposed targets for testing and contact-racing, much more, the expectations of the Filipino people,” dagdag pa nila.

-- Advertisement --

Kaya inoobliga ng panukalang ito ang COVID-19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na bumalangkas ng isang COVID-19 Mass Testing Plan katuwang ang Department of Health.

Inaatasan din ang DOH na tiyakin ang establishment at accreditation ng public testing centers at trained personnel sa lahat ng rehiyon sa bansa na siyang mangunguna sa mass testing.

Bukod dito, ang DOH at Epidemiology Bureau nito, katuwang ang mga lokal na pamahalaan, ay dapat na tukuyin ang mga lugar o clusters na kailangan para sa sampling at subsequent testing.