Reading Time: 1 minute

Nanumpa na bilang bagong deputy governor ng Bangko Sentral ng Pilpinas (BSP) si Francisco Dakila Jr.

Ito’y kasunod ng pagbaba sa pwesto ni dating BSP deputy governor Diwa Guinigundo dulot ng mandatory retirement sa edad na 65.

Ayon kay Bangko Sentral governor Benjamin Diokno, uupo bilang opisyal si Dakila ng Monetary and Economics Sector.

Responsibilidad daw nito ang mga aktibidad na may kinalaman sa pagbuo, implementasyon at assessment ng monteray policies.

Bago umupo sa pwesto, huling nanungkulan si Dakila bilang assistant governer ng Monetary Policy-Sub Sector.

Nanilbihan din ito sa US Agency for International Development at the Agricultural Credit Policy Council.