-- Advertisements --
Target ng franchising group sa bansa ang paglago ng kanilang industriya ngayong taon.
Kasunod ito sa anunsiyo ng Philippine Franchise Association na dito sa Pilipinas gaganapin ang World Franchise Council and Asia Pacific Franchise Confederation meeting ngayong taon.
Layon nito na makaakit ng mas maraming mga investors na maglalagak ng kanilang negosyo sa bansa.
Isa rin itong paraan na makilala ang mga local brands sa ibang bansa.