Inimbitahan ni Paris Prime Minister Edouard Philippe ang mga interesadong architects sa buong mundo na gumawa ng desenyo kapalit ng natupok na spire n Notre-Dame church.

Sinabi ng Prime Minister na isang uri ng international contest ang kaniyang isasagawa na maaaring ito ay katulad ng natupok o magiging makabagong desenyo.

Itinuturing din nito na isang malaking hamon at isang historic responsibility.

Ang nasabing anunsyo ay kasunod ng anunsiyo ni French President Emmanuel Macron na isasailalim sa buong restoration ang nasabing simbahan sa loob ng limang taon.