-- Advertisements --

Luluwagan na ng France ang kanilang travel restrictions sa mga manggagaling ng United Kingdom.

Magsisimula ito sa Enero 14, 2022 kung saan lahat aniya ng mga fully-vaccinated na pasahero ay hindi na mag-isolate pagdating sa France.

Kailangan din na magpakita ang mga ito ng negative COVID-19 test na isinagawa 24 oras bago umalis sa UK.

Nauna ng ipinatupad ng France ang nasabing paghihigpit noong Disyembre 18 para mapababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.