-- Advertisements --

Inaprubahan na ng mga mambabatas sa France ang pagiging legal ng abortion rights sa kanilang konstitusyon.

Dahil dito ay sila na ang kauna-unahang bansa sa mundo na isama sa kanilang konstitusyon ang karapatan sa abortion.

Mayroong bumoto na 780 ang pumabor at 72 ang komontra sa mga mambabatas ng senado at kongreso.

Isinagawa ang botohan sa pagtitipon ng mga mambabatas sa Palace of Versailles, sa southwest, Paris.

PInuri ng mga mambabatas ang nasabing desisyon dahil sa pagsuporta ng reproductive rights kung saan ibinabasura ang abortion sa ibang mga bansa.

Matapos ang botohan ay naglagay sila ng signages sa Eiffel Tower na nakasulat ang “My Body My Choice”.