Magpapadala ang France ng dose-dosenang armored vehicles at light tanks kabilang ang AMX-10RCs fighting vehicles sa mga susunod na linggo.
Ang French AMX-10RCs vehicles ay mayroong high speed at manueverability para mapakilos ng mapbilis sa battlefield at agarang pagpapagpalit ng posisyon.
Kinumpirma ito sa isang joint statement na inisyu matapos ang pag-uusap nina French President Emmanuel Macron kasama si Ukrianian President Volodomyr Zelensky.
Nagtagal ang working dinner ng dalawang leader ng mahigit tatlong oras kung saan nagpahiwatig ang French President na nakatuon din ang Paris na suportahan ang air defense capabilities ng Kyiv laban sa Russian strikes.
Ang pagbisita sa Paris ay bahagi ng weekend tour ni Zelensky sa mga pangunahing kaalyadong bansa sa Europe para umapela ng military at financial support bago ang inaasahang major counter-offensive ng Ukraine laban sa pwersa ng Russia.
Una ng nakapag-secure ang Ukraine ng $3 billion panibagong military package mula sa Germany nitong weekend.