-- Advertisements --

Pumanaw na sa edad na 88 ang isa sa mga kilalang framers ng 1987 Constitution na si Fr. Joaquin Bernas.

Isa siyang Jesuit lawyer at Ateneo School of Law Dean Emeritus.

Ipinanganak siya noong Hulyo 8, 1932 sa Baao, Camarines Sur.

Agad namang bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ng isa sa mga itinuturing na legal luminary sa ating bansa.

Sa isang memo na inilabas ni Ateneo Law School dean Jose Maria Hofileña, kinilala nito ang malaking mabag ni Bernas sa kanilang komunidad at sa nakararami.

“He has contributed immeasurably to keeping the Ateneo Law School true to its identity and calling. The Ateneo Law School’s debt of gratitude to Fr. Bernas can never be truly repaid,” saad ng pahayag ni Hofileña sa inilabas na memo.