-- Advertisements --
Pumanaw na ang founding bassist at Rock and Roll Hall of Fame member ng Bon Jovi na si Alec John Such sa edad 70.
Kinumpirma ito ng banda sa kanilang social media subalit hindi na binanggit pa ang sanhi ng kamatayan nito.
Naging bassist si Such sa unang limang album ng Bon Jovi mula 1983 hanggangg sa 1992 na Keep the Faith kung saan kabilang ito sa mga kanta gaya ng “Livin’ on a Prayer”, “Wanted Dead or Alive”, “You Give Love a Bad Name” at “I’ll Be There For Your”.
Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa ilang kilalang banda matapos na mabalitaan ang pagpanaw ng kanilang bassists.