-- Advertisements --
Hindi umano nababahala si dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson matapos itong masampahan ng kasong cyberlibel ng isang hindi pinangalanang grupo.
Kasunod ito ng pagkalat ng mugshot matapos ang pag-aresto kaugnay ng nasabing kaso.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan, iginiit ni Singson na wala siyang kasalanan at agad siyang nakapagpiyansa ng P60,000 matapos matanggap ang reklamo.
Bagaman duda siya sa naturang kaso, sinabi ni Singson na handa siyang harapin ito at itinuturing pa nga niyang karangalan na maidemanda upang maipaglaban ang katotohanan.
Hinimok din niya ang publiko na huwag matakot ipaglaban ang katotohanan at labanan ang mga taong tunay na may sala.
















