ILOILO CITY – Pumanaw na si dating Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) president Archbishop Angel Lagdameo.
Si Lagdameo ay binawian ng buhay sa edad na 81-anyos.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Father Angelo Colada, director ng Commission on Social Communications ng Archdiocese of Jaro, sinabi nito na pumanaw si Lagdameo dakong alas-8:30 nitong umaga ng Biyernes sa St. Paul’s Hospital of Iloilo.
Aniya, nagkaroon ng komplikasyon si Lagdameo matapos ang operasyon sa kanyang panga.
Si Lagdameo ay ipinanganak sa Lucban, Quezon noong Agusto 2, 1940.
Siya ay hinirang ni Pope John Paul II bilang ika-12 prelate at ikalimang archbishop ng Jaro noong Mayo 9, 2000 hanggang Pebrero 2018.
Bago pumanaw nagsilbi si Lagdameo bilang Archbishop Emeritus of Jaro.
Disyembre 1, 2005 hanggang Disyembre 2009, nagsilbi ito bilang presidente ng CBCP.