KORONADAL CITY – Personal na binisita ng ilang mga avid listeners na nagmula sa Chicago, USA ang himpilan ng Bombo Radyo Koronadal.
Ito ay kasabay ng pag-uwi ng pamilya Ludjins sa bayan ng Sto Niño, South Cotabato.
Ayon kay Joe Ludjins, isang katuparan sa kanilang pangarap ang personal na makita ang himpilan ng Bombo Radyo pati ang mga anchormen na dati ay naririnig lamang sa pamamagitan ng Bombo Mobile App at website ng Bombo.
Hindi rin nila pinalampas ang pagkakataong humawak ng drum na trade mark na ng Bombo Radyo Philippines.
Kasabay nito, binati rin ng mga ito ang naiwang kaanak na avid listenern ng Bombo sa Chicago na si Voltaire Ludjins kasabay ng kanyang ika-37 na kaarawan bilang regalo.
Ibinahagi rin nito na malaking bagay para sa kanila na marinig ang mga importanteng balita sa Pilipinas kahit nasa ibang bansa sa pamamagitan ng Bombo Radyo Philippines.