-- Advertisements --

Malaki ang ibinagsak ng international arrivals sa Pilipinas noong nakaraang taon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, dahil sa “entry restrictions,” tanging 1,323,956 lamang ang foreign visitors ng Pilipinas mula Enero hanggang Disyembre 2020.

Mababa ito ng 83.97 percent mula sa 8,260,913 arrivals na naitala sa kaparehas na period noon namang 2019.

Ang kabuuang halagang nalikom mula sa inbound tourism noong nakaraang taon ay pumalo sa tinatayang P81.40 billion, mas mababa ng 83.12 percent mula sa visitors receipts na P482.16 billion na naitala noong 2019.

“With the closure of borders to international tourist traffic and the imposition of quarantine measures, tourism activities ground to a halt affecting various enterprises and displacing workers,” ani Puyat.

Gayunman, sinabi ng kalihim na mananatili bilang main strategy sa pagbangon ng turismo sa Pilipinas ang domestic tourism.

Ang pagbubukas aniya ng mga local destinations ay mananatiling hakbang na susundin ng mga local government units.

Ngayong may banta ng bagong COVID-19 variant, sinabi ni Puyat na kailangan pang palakasin ang entry protocols.