-- Advertisements --
Nagtala ang Department of Tourism na P286 bilyon na halaga ng kita mula sa foreign tourism.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco na ang nasabing halaga ay naitala mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
Naaayon aniya ito sa 66 percent na tourism international arrivals recovery ng bansa na mas mataas kumpara sa average na ASEAN growth na mayroong 54 percent lamang batay sa UNWTO World Tourism Barometer on the Recovery by Region sa unang quarter ng 2023.
Umabot sa 3.3 milyon ang foreign visitor arrivals sa bansa na katumbas ito ng 70 percent ng target ng ahensiiya 4.8 milyon ngayong 2023.
Naniniwala ang kalihim na tataas pa ang bilang ng nasabing foreign tourist arrivals lalo na ngayong tuluyan nagbukas ang ekonomiya.










