Lalo pang bumaba ang foreign currency reserves ng Pilipinas sa pagtatapos ng Pebrero 2024.
Ito ay sa gitna ng sa gitna ng pag-areglo ng gobyerno sa foreign currency-denominated debt nito.
Batay sa paunang datos na inilabas ng BSP, nagpapakita ito na ang Philippines’ gross international reserves na mula noong nakaraang buwan ay umabot ito sa $102.671 bilyon.
Mas mababa ito sa $103.269 bilyon na antas na naitala noong unang buwan ng taong 2024.
Ang mga reserbang assets ng BSP ay kinabibilangan ng foreign investments, gold, foreign exchange, reserve position in the International Monetary Fund at special drawing rights.
Sa kabila ng pagbabang ito , ang gross international reserves ng Pilipinas ay “higit sa sapat na external liquidity buffer na katumbas ng 7.7 buwang halaga ng mga pag-import ng mga good at mga pagbabayad ng mga serbisyo at pangunahing kita.” (With reports from Bombo Victor Llantino)