Binigyang-diin ng mga foreign envoys ang kahalagahan ng Pilipinas bilang isang economic partner sa taunang Pilipinas Conference ng Stratbase ADR Institute.
Sinabi ng Australian Ambassador to the Philippines, Hae Kyong Yu, na ang Pilipinas ay isa sa mga pangunahing prayoridad sa Southeast Asia Economic Strategy ng Australia para sa 2040.
Sinabi ni Yu na ang hakbang na itaas ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Australia sa isang strategic partnership ay nagpapahiwatig na ang dalawang bansa ay nakatuon sa pakikipagtulungan sa seguridad, pag-unlad, at economic security.
Sa kabilang banda, sinabi ni Ambassador of the United Kingdom to the Philippines Laure Beaufils na ang bilateral trade sa pagitan ng UK at Pilipinas ay nasa pinakamataas na antas.
Gayunman, ipinunto din ni Beaufils na may puwang para sa pagpapabuti sa paghikayat ng mas maraming pamumuhunan sa bansa.
Sinabi rin ni Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman na ang Pilipinas ay isang mahalagang kasosyo sa ekonomiya ng iba’t-ibang bansa.
Nakikipag-ugnayan ang Pilipinas sa iba’t-ibang bansa upang mapalakas at mapalago pa ang ekonomiya ng ating bansa.