-- Advertisements --

Bumaba ng 23 porsiyento ang net inflows ng foreign direct investments (FDI) sa Pilipinas sa $9.2 bilyon noong 2022, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ipinapakita ng datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang mga net foreign direct investments inflows ay bumaba mula sa $12 bilyon noong 2021 dahil parehong bumaba ang lending at equity capital mula sa ibang bansa noong nakaraang taon.

Ang isang bahagyang pagtaas sa muling pamumuhunan ng mga kita ay hindi sapat upang agad na mabawi ang mga naturang pagbaba.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, sa kabila daw ng patuloy na momentum ng paglago ng bansa, bumaba ang foreign direct investments net inflows noong 2022 dahil sa mataas na inflation, na nakaapekto sa mga desisyon ng mga mamumuhunan.

Kung matatandaan, noong Disyembre lamang bumaba ng 76 percent ang mga net inflow sa $634 million mula sa $2.7 billion kumpara sa parehong buwan ng taong 2021.