Nakapagtala ng foreign direct investment (FDI) na US$484 million net inflows o katumbas ng P26 billion para sa nakaraang buwan ng Hunyo 2023.
Mas mababa ito ng 3.9 porsyento mula sa US$503 million na net inflow sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Ito ay dahil sa naitalang pagbaba sa mga non-residents’ net investments sa equity capital at kanilang muling pamumuhunan ng mga kita, ng 11.8 porsyento mula sa $126 million hanggang $111 million at ng 26.8%, mula sa $122 million hanggang $89 million.
Ang mga istatistika ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa pamumuhunan ay pinagsama-sama batay sa Balance of Payments at International Investment.
Kasama sa foreign direct investment record ang pamumuhunan ng isang banyagang investor sa isang lokal na negosyante, na ang equity capital ay hindi bababa sa 10 porsyento, at pamumuhunan na ginawa ng isang non-resident sa subsidiary o associate direct investor nito.
Ang foreign direct investment ay maaaring nasa anyo ng equity capital, muling pamumuhunan ng kita, at paghiram ng puhunan.
Karamihan sa mga equity capital placement noong Hunyo 2023 ay pangunahing nagmula sa Japan, United States at Singapore.
Ang mga ito ay inilagak para sa manufacturing, real estate at industriya ng impormasyon at komunikasyon.
-- Advertisements --