-- Advertisements --

Bumisita si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin sa bansang China upang makipag-usap sa top diplomat ng nasabing bansa.

Ayon sa Chinese Embassy, nakipagpulong si Locsin kay Chinese State Councilor and Foreign Minister Wang Yi sa Tunxi District sa probinsya na Anhui kung saan ay nagpalitan ng pananaw at opinyon ang dalawang panig hinggil sa usapin sa South China Sea.

Ito ay matapos na maghain ng diplomatic protest ang Pilipinas sa China makalipas ang insidenteng “close maneuvering” ng Chinese Coast Guard vessel sa BPP Malabrigo ng Philippine Coast Guard sa Scarborough Shoal.

Sa naging pagpupulong ay ipinangako ni Wang na pananatilihin ng China ang good-neighborly and friendly policy sa Pilipinas.

Dapat din aniya na alisin ng dalawang panig ang mga kaguluhan, at mahinahon at maayos na pamahalaan ang kanilang mga pagkakaiba upang hindi ito makaapekto sa pangkalahatang sitwasyon ng relasyon sa pagitan ng China Pilipinas.

Bukod dito ay tiniyak din ang Chinese diplomant na handa ang kanilang bansa na tulungan ang development ng Pilipinas, at nangakong pabibilisin pa ang konstruksyon ng key infrastructure projects, gayundin ang pagbibigay ng COVID-19 vaccine assistance.

Samantala, sa ngayon ay hindi pa rin kinukumpirma ng Chinese government ang gaganaping virtual meeting ni Chinese President Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte na una nang isiniwalat ng pangulo sa kanyang naging pahayag sa Lapu-Lapu City.