-- Advertisements --

Bilang bahagi ng kanyang opisyal na na pagbisita sa India, nag-courtesy call si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kay Jagdeep Dhankar, ang Pangalawang Pangulo ng India.

Sa nasabing pulong ay binigyang diin ng dalawa ang pagpapabuti pa lalo sa partnership ng India at ng Pilipinas.

Ayon kay Vice President Dhankar, marami pang sektor ang maaaring palakasin ng dalawang bansa, katulad ng digital economy, agriculture, defense, pharmaceuticals, at blue economy.

Ayon sa pangalawang pangulo ng India, marami ang mga pagkakatulad ng dalawang bansa, na siyang nagpapalapit sa kanila, kasama na ang pagkakaroon nila ng demokrasyang pamamalakad.

Samantala, kasabay ng pagbisita ng kalihim sa India, nakipagkita rin ito sa mga pinuno ng Filipino community doon.

Batay sa datus ng DFA, nasa 1,500 Filipinos ang kasalukuyang naninirahan ay nagtatrabaho sa India.

Marami sa mga ito ay nakapangasawa ng mga Indian Nationals, habang ang iba ay expatriate at miyembro ng mag regious organization.