Humingi ng paumanhin si Philippine men’s football team head coach Tom Saintfiet dahil sa pagkatalo laban sa Iraq.
Pinahiya ng Iraq ang football team ng bansa sa harap ng mahigit 10,000 fans na nanood sa Rizal Memorial Stadium nitong Marso 26 sa score na 5-0.
Sinabi ng nasabing coach na hindi pa niya naranasan ang ganitong uri ng pagkatalo kaya labis itong nahihiya sa mga Pinoy na nanood ng kanilang laro.
Bagamat talo ay may ilang positibo itong nakita sa parte ng football team ng bansa isa na rito ay ang pinaigting na laro at ang depensa na ipinamalas nila laban sa mga Iraq.
Pinuri naman ni PH team goalkeeper Neil Etheridge ang Iraq dahil sa magandang laro na ipinamalas ng ng mga ito.
Magtutungo ang koponan sa Dubai sa buwan ng Mayo para paghandaan ang susunod na laro sa buwan ng Hunyo.