-- Advertisements --

Mananatili pa ring maglalaro si Kylian Mbappe sa PSG Football Club sa France, matapos tanggihan ang pinakamalaki sanang sahod sa kasaysayan ng football.

Ayon sa kampo ng French striker, pinal na ang desisyon ng football star at hindi na ito lilipat ng koponan.

Maalalang inalok ng saudi football team na al hilal ang batikang striker ng $259 million na kontrata, nitong nakalipas na buwan.

Ang alok ng Al Hilal ang pinakamalaki sana sa kasaysayan ng nasabing sport, ngunit tinanggihan naman ito ni Mbappe.

Maliban sa Al Hilal, ilan pang mga kilalang football team ang nag-alok ng malalaking kontrata kay mbappe ngunit tinanggihan din nito ang mga nasabing kontrata.

Maalalang ginawa ng Al Hilal ang alok kay Mbappe, matapos mabigo ang koponan na makuha ang isa sa pinakamagaling na football star na si Lionel Messi, nang umanib siya sa isang football club na nakabase sa Estados Unidos.