-- Advertisements --

Nagtala si Portugal football star Cristiano Ronaldo ng record sa laban nila ng Ghana sa nagpapatuloy na FIFA World Cup 2022 sa Qatar.

Siya kasi ngayon ang unang tao na nakapagtala ng goal sa limang World Cups.

Naabot ng 37-anyos na si Ronaldo ang record ng maipasok niya ang goal sa pamamagitan ng penalty kick ng 65th minuto sa laro na ginanap sa 974 Stadium.

Nalampasan na nito ang mga football stars na sina Pele, Germans Uwe Seeler at Miroslav Klose na nakapag-goal sa apat na World Cups.

Mayroon na ring kabuuang 118 sa lahat ng mga international goals na kaniyang sinalihan.