-- Advertisements --
Gatchalian1

Nakatakdang ilunsad sa Caraga Region ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program (FSP) bukas, Setyembre 29.

Ito ay inaasahang pangungunahan nina Department of Social Welfare and Development(DSWD) Sec Rex Gatchalian at PBBM.

Ang Food Stamp Program sa Caraga ay ang pangalawa pa lamang sa ilalim ng naturang programa kung saan una itong inilunsad dito sa Metro Manila.

Paliwanag ni ASec Romel Lopez ang mga bagong batch ng benepisyaryo sa Caraga ay mabibigyan ng pagkakataon na magamit ang kanilang Electronic Benefit Cards para makabili ng mga masusustansyang pagkain mula sa mga accredited partner ng kagawaran katulad ng Kadiwa ng Pangulo outlets.

Sa ilalim ng naturang programa, ang mga benepisyaro ay makakatanggap ng food credit na nagkakahalaga ng P3,000 kada buwan sa loob ng anim na buwan.

Plano ng pamahalaan na maisagawa ang full implementation nito sa susunod na taon, para maasistehan ang mga mahihirap na pamilya sa buong bansa.