-- Advertisements --
Screenshot 2021 02 06 10 21 46

KORONADAL CITY – Maliban sa communication gap na nararanasan ngayon ng mga mamamayan sa bansang Myanmar dahil sa kudeta, pinangangambahan na rin ngayon ang food shortage.

Ito ang iniulat ni Bombo international correspondent Tun Min, isang Burmese teacher na matagal ding nanirahan sa bansa at dito nakapagtapos ng kanyang bachelor’s degree sa Pilpinas.

Sinabi ni Min sa Bombo Radyo Koronadal, bago pa man ang nangyarinag kudeta at pagsailalim sa house arrest kay Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi ay nagkaroon na ng panic buying.

Sakali umanong ‘di hihinto at magtuloy-tuloy ang kaguluhan sa kanilang bansa ay mawawalan na sila ng makakain dahil maging ang mga restaurants at tindahan ay hindi na pinapayagang magbukas.

Sa ngayon dahil sa ipinapatupad na curfew pagkagat pa lamang umano ng dilim ay parang ghost town na ang nangungunang lungsod sa nabanggit na bansa.

Hiling sa ngayon ng mga Burmese at ibang lahi na nasa Myanmar kabilang na ang mga Pilipino na ipanalangin ang kapayapaan at pagbalik sa normal ng pamumuhay sa nabanggit na lugar.