-- Advertisements --

Hindi pa matiyak ng Department of Agriculture kung maabot ng bansa ang food security sa termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban , na maraming hamon pa rin ang kinakaharap ng ahensiya at isa na rito ang smuggling.

Pagtitiyak ng opisyal na gumagawa na sila ng hakbang para tuluyang masugpo ang nasabing mga problema.

Pinuna naman ng ilang mambabatas na ang nasabing hakbang ng DA ay ibabalik din sa Pangulo dahil siya ang tumatayong kalihim ng ahensiya.