-- Advertisements --
CHRISTINA FUENTES, PORK HOLIDAY

Naniniwala ang Department of Agriculture (DA) na hindi itutuloy ng ilang sektor ng agrikultura ang kanilang pinaplantsang “food holiday.”

Sinabi ni Asec. Noel Reyes, tagapagsalita ng DA na ito ay banta lamang naman daw at posibleng hindi na isasagawa ng mga nasa sektor ng agrikultura.

Gayunman, todo pa rin naman ang panawagan ni Reyes na huwag raw maghasik ng mga ganitong uri ng banta at bagkus ay magtulungan na lamang ngayong panahon ng pandemya.

Aniya, sa ngayon, tuloy-tuloy naman daw ang kanilang paghahatid ng pagkain sa Metro Manila.

Samantala, sinabi naman ni Nicanor Briones, Pork Producers Federation of the Philippines, Incorporated chairman-elect na wala pa raw silang pinala na usapan kung kailan ipatutupad ang food holiday.

Pero ang sigurado raw aniya ay ang pag-boycott nila sa Food Security Summit ng DA dahil ramdam raw nilang walang malasakit sa kanila si DA Sec. William Dar.