Binigyan diin ni San Jose del Monte City, Bulacan Rep. RIda Robes na hindi kasama sa mga dapat harangin sa gitna ng curfew hourse sa NCR Plus bubble ang mga nagde-deliver ng pagkain.
Sinabi ito ni Robes matapos na naging usap-usapan sa social media ang pagharang sa food delivery ng lugaw sa checkpoint sa Barangay Muzon, San Jose del City Monte, kung saan iginigiit ng tauhan ng barangay sa hindi essential ang lugaw at mabubuhay ang tao ng walang lugaw.
Iginiit ni Robes na ang lugar ay pagkain na bahagi sa exemption o pinapayagan sa pag-deliver sa ilalim ng guidelines na inilabas ng Inter-Agency Task Force kaugnay sa ipinatutupad na curfew hours.
Samantala, nilinaw naman ng kongresista na walang anumang kautusan ang San Jose del Monte City government sa pangunguna ni Mayor Arthur Robes na harangin ang food delivery.
Kaugnay nito ay pinapaalalahanan niya ang mga taga-barangay at mga pulis na nagmamando sa checkpoins na basahin at unawain ng husto ang guidelines na inilabas ng IATF.