Pinapaspasan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pag-apruba at evaluation ng gamot kontra COVID-19 nang hindi nakokompormiso ang pagiging epektibo, kalidad at kaligtasan nito.
Ayon sa ahensiya, ang Covid-19 medicines ay iisyuhan ng certificate of product registration (CPR) na maaaring mabili kalaunan ng publiko sa mga lisensiyadong drug establishment ng FDA kasabay ng pagtitiyak na kanilang tutugunan ang anumang posibleng post-market issues.
Ang naturang certificate ay isang lisensiya na inisyu ng FDA para sa medical items gaya ng covid-19 drugs para maging legally manufactured, maipamahagi at maibenta ng direkta sa publiko.
Sa kasalukuyan kasi, ang lahat ng covid-19 vaccines at medisina sa imbentaryo ng pamahalaan ay ipinapamahagi at itinuturok sa bisa ng emergency use authorization (EUA).
Ayon sa FDA, mayroon ng apat na manufacturers ng covid-19 drugs na may EUA ang nakapagsumite na ng kanilang aplikasyon para sa certificate of product registration.
Base sa website ng FDA mayroong tatlong awtorisadong COVID-19 medications, ito ang casirivimab at imdevimab o kilala sa tawag na Ronapreve, monulpiravi, nirmatrelvir at ritonavir (Paxlovid)