Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tugon sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “all out war” laban sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Ayon kay AFP spokesperson marine B/Gen. Edgard Arevalo, agad nilang imo-mobilize ang lahat ng army resources kasabay ng implementasyon ng focused, surgical at deliberate na operasyon.
Para naman kay PNP spokespeson police B/Gen. Bernard Banac, malaking karangalan na mapabilang ang pambansang pulisya sa kampanya ng pamahalaan hinggil sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran.
Dagdag pa nito, karapatan ng bawat Pilipino na mamuhay ng tahimik at ligtas sa banta ng terorismo, kahirapat at karahasan.
Tiniyak din ni Banac na naaayon sa batas ang gagawin nilang hakbang kontra sa mga komunista.