-- Advertisements --
image 24

Tuluyan nang nakalabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Florita, matapos manalasa sa malaking bahagi ng Northern Luzon.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 335 km sa kanluran ng Calayan, Cagayan.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 kph.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.

Signal No. 1:

Batanes, Babuyan Islands, western portion ng mainland Cagayan (Claveria, Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Allacapan, Aparri, Lasam, Santo Niño, Rizal), Apayao, Abra, western portion ng Kalinga (Balbalan, Pasil, Tinglayan), western portion ng Mountain Province (Bauko, Tadian, Besao, Sagada, Sabangan, Bontoc, Sadanga), northern at western portion ng Benguet (Mankayan, Bakun, Kibungan, Kapangan, Tublay, La Trinidad, Sablan, Tuba, Baguio City, Atok), Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Union