-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 si Republican Senator Rick Scott ng Florida.
Sinabi nito na nitong nakalipas na Martes nang sumailalim siya sa COVID-19 testing at sa Biyernes lamang lumabas ang positibong resulta.

Dahil sa pangyayari ay naka-self quarantine na ito at nagtatrabaho na lang muna sa kaniyang bahay.
Tiniyak naman ng senador na siya ay malusog at walang anumang sintomas na nararanasan.
Kasabay nito pinayuhan niya ang kaniyang mga constituents na magsuot ng face mask, mag-social distancing at agad na mag-quarantine kapag nagpositibo sa coronavirus.










