Lil John
Lil John/ FB post

Patay ang Flip Top rapper na si Lil John matapos na ito ay pagbabarilin sa Imus, Cavite.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan, lumalabas na nakaupo lamang sa kaniyang motorsiklo ang biktimang si Lil John o Jon Ross Delos Santos nang ito ay lapitan ng hindi kilalang suspek at agad na pinagbabaril.

Sinabi pa ni Lt.Col. Junar Alamo, hepe ng Imus City Police, itinakbo pa ang biktima sa pagamutan subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Nakuha sa lugar ang dalawang basyo ng hindi pa malamang uri ng kalibre ng baril.

Sinasabing ang 35-anyos na si Lil John ay residente ng Tambo, ParaƱaque City.

Sa ngayon inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang mga salarin at ang motibo sa naturang pamamaril.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga kasamahan nito sa industriya.