-- Advertisements --

Pansamantalang sususpendihin ng Manila International Airport Authority ang lahat ng passenger at commercial flights papunta at palabas ng Pilipinas simula ngayong araw, Mayo 3.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, ang hakbang na ito ay para umano tumulong na labanan ang pagkalat pa ng nakamamatay na virus.

Batay kasi sa guidelines ng Malacañang na papayagan ang land, air, o sea travel ng mga uniformed personnel at government officials o empleyado lalo na kung ang mga dala nito ay medical supplies at laboratory specimen na may kaugnayan sa COVID-19.

Magpapatuloy naman sa operasyon ang mga cargo flights, medical supplies, utility at maintenance flights.

Inatasan naman ni Transportation Secreatry Arthur Tugade ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at iba pang airport authorities na pag-isipan ang muling pagbubukas ng mga paliparan lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) para i-accomodate ang mga commercial aviation operations.