Itinuturing na most tracked sa kasaysayan ang flight na lulan ng kabaong ni Queen Elizabeth II.
Ayon sa Flightradar24 na halos nasa 6 milyon katao ang nagbantay sa ruta ng eroplanong pinagsakyan ng namayang monarch queen.
Ang nasabing ruta ay mula sa Edinburgh patungo sa Royal Air Force Northolt.
Dahil sa dami ng mga nagta-track ay nagdulot ito sa matinding trapiko sa nasabing website.
Nasa mahigit 4.79 milyon katao na ang nanood sa kanilang site at app habang mayroong mahigit 296,000 ang nanood sa kanilang YouTube stream.
Ang nasabing flight ay gumamit ng callsign na “Kittyhawk” na ginamit ng mga military flight kapag ang Queen Elizabeth II ay nakasakay sa eroplano.
Nahigitan nito ang naunang record sa flight na lulan noon ni US House Speaker Nancy Pelosi noong ito ay bumisita sa Taiwan.