-- Advertisements --
ILOILO CITY – Abala muli ang flagship station ng Bombo Radyo Philippines para sa Dugong Bombo ngayong araw, April 15.
Ito ay gaganapin sa Barangay Salngan, Passi City, bilang bahagi ng pakikipagtulungan ng Bombo Radyo Iloilo at mga local government units upang matugunan ang pangangailangan sa suplay ng dugo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Passi City Mayor Stephen Palmares, sinabi nito na walong barangay ang tiyak na makikibahagi sa bloodletting activity na target ang mahigit sa 200 successful blood donors.
Ayon kay Palmares, titiyakin din nilang mapatupad ang minimum health protocols kasabay ng nasabing aktibidad.










