Walang puwang at lugar sa Bagong Pilipinas ang paninira at masasakit na salita.
Ito ang binigyang-diin ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng medical laboratory services program sa La Union.
Ayon sa unang ginang, hindi na uso ang paninira, pambabatikos at mapanakit na mga salita.
May class anya ang mga Pilipino, mayaman man o mahirap.
Matatandaang idinawit ni dating Pang. Rodrigo Duterte ang First Lady sa usapin ng people’s initiative.
Tinawag rin ng dating Pangulo na drug addict si Pang. Ferdinand Marcos Jr. habang ang anak nitong si Mayor Baste ay nanawagan ng resignation ng presidente.
Ito ang unang pagsasalita sa publiko ni First Lady Liza Marcos matapos ang sunud-sunod na mga banat kay Pang. Ferdinand Marcos .