Sinisimulan na ang pagpaplano para sa gagawing pagho- host ng Pilipinas ng 2026 ASEAN Summits.
Isang pulong ang pinangunahan ni First Lady Liza Marcos para sa nasabing international event.
Sa Facebook post ng Unang Ginang ay makikita ang caption na ‘Meeting on Philippines’ hosting of the 2026 𝘈𝘚𝘌𝘈𝘕 𝘚𝘶𝘮𝘮𝘪𝘵𝘴” na kung saan ay kasama sa larawan ang ilang indibidwal Kasama na si Tourism secretary Maria Cristina Garcia – Frasco.
Pinuri naman ng mga netizens ang First Lady sa aktibong pakikilahok nito sa nakatakdang event na pagpapakita at kumakatawan sa dedikasyon sa pagsusulong ng integrasyon at kooperasyong panrehiyon.
Nitong nakaraang March 22 ay inilabas ang Administrative Order 17 na lumilikha ng National Organizing Council na siyang mangunguna sa ilalatag na programa at aktibidad para sa ASEAN 2026 na gagawin sa Pilipinas.