Patuloy na sinisikap ng Kongreso na makahanap ng bagong funding sources para sa Bayanihan 3.
Ayon sa beteranong ekonomista na si House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda, hindi naman problema ang pondo sa kasalukuyan kundi ang pagkakaroon ng fiscal sustainability.
Kaya nga iminumungkahi ng Kongreso ang pagpondo sa ikatlong economic stimulus sa pamamagitan ng bagong revenue streams.
“We already took into account that whatever existing sources there are must have already been used for the regular budget,” ani Salceda.
Sinabi ng kongresista na magpupulong sila ngayong araw kasama ang economic team ng Pangulo para ayusin ang pagkakaiba nila sa spending at revenue side.
Ang payo niya sa kanyang mga kasamahan sa Kamara at counterparts sa economic team ay habang binabantayan ang deficil levels ay dapat hindi rin kailangan magpatali ng lubusan sa fiscal limitations.
Maari naman kasi aniyang ma-annuitize sa ilang taon ang pagbabayad sa gagastusin sa Bayanihan 3 sa pamamagitan nang pagbubuwis katulad na lamang nang sa POGOs at e-sabong.
Noong nakaraang linggo inaprubahan ng komite ni Salceda ang revenue provisions sa Section 34 ng Bayanihan 3 substitue bill na nagsasabi na papahintulutan ang Bangko Sentral ng Pilipinas na gumawa ng karagdagang direct provisional advances para sa National government.
Ang direct advances na ito ang gagamitin para mapondohan ang pagkakagastusan ng pamahalaan sa pagtugon sa sitwasyon ng bansa sa harap ng COVID-19 pandemic.
Sa kanyang tantiya, P294.8 billion ang kukunin sa provisional advances mula sa BSP, habang P78 billion naman mula sa increased remittances mula sa dividends ng GOCCs base sa Section 35 naman ng panukalang batas.