-- Advertisements --

ILOILO CITY- Babalik sa pagtuturo ng abogasya si first Lady Atty. Louise “Liza” Cacho Araneta–Marcos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Joselito Villaruz, presidente ng West Visayas State University, sinabi nito na magtuturo ng Criminal Law 1 sa College of Law ng unibersidad ang unang ginang.

Ayon kay Villaruz, napili ng first lady na magturo sa WVSU dahil ang pamilya nito ay mula sa lungsod kung saan ang ama nito na si Filipino basketball Olympian nga si Manuel Araneta Jr. ay tubong Iloilo City.

Una nang nagturo ng law si Marcos sa Mariano Marcos State University, Saint Louis University, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Northwestern University, at Far Eastern University.

Napag-alaman na ang first lady ang founding partner sang Marcos, Ochoa, Serapio, & Tan Law Firm.

Huli siyang nagturo sa Mariano Marcos State University College of Law kung saan nagsilbi siya bilang assistant dean.

Tumigil to sa pagtuturo dahil nahihirapan sa pagkambyo ng face-to-face classes pakadto sa sa online learning.