Posibleng magulo ang flight schedules ng halos 300,000 katao sa United Kingdom matapos magsagawa ng two-day strike ang 4,300 piloto ng British Airways.
Ito ang kauna-unahang beses na dumanas ng global strike ang nasabing paliparan.
Base sa impormasyon, siyam na buwan na umanong hindi pinapasahod ang mga piloto kung kaya’t nag-alsa ang mga ito upang bayaran na sila ng kumpanya.
Noong nakaraang buwan, nagbigay naman ng notice ang British Airline Pilots Association (BALPA) hinggil sa tatlong araw na isasagawang industrial action.
Para sa BALPA, dapat umanong eksakto sa oras at taasan din ang sahod ng mga piloto ng British Airways ngunit nanindigan ang paliparan na maituturing daw na unjustifiable action ang isinagawang strike ng kanilang mga piloto dahil sa paniniwala nito ay patas naman ang kanilang pagbibigay sweldo.
“This strike will have cost the company considerably more than the investment needed to settle this dispute,”
“It is time to get back to the negotiating table and put together a serious offer that will end this dispute.”
Sa kabila nito, handa naman ang British Airways na makipag-usap sa unyon ng mga piloto upang maresolba ang kanilang problema.