Nagkasundo ang DOH at DOT na magtatag ng first aid facilities sa pangunahing tourist areas sa buong bansa para mailapit ang healthcare services sa mga lokal at dayuhang turista.
Sa isang pagpupulong, ipinunto pa ni Health Sec. Ted Herbosa na layunin ng naturang inisyatibo na magtatag ng first aid facilities na konektado sa mas malawak na healthcare networks sa mga dinarayong lugar gaya ng tinaguriang “Surfing Capital of the North” sa Pilipinas na San Juan, La Union, Coron, El Nido, Puerto Galera, Panglao, at Siargao.
Binigyang diin din ng kalihim ang kahalagahan ng pagtugon sa kalusugan, kaligtasan at hygiene services sa komunidad maging sa tourist attractions para sa mas malusog o ligtas na tourist sites.
Sinegundahan din ni Tourism Sec. Christina Garcia Frasco ang sentimiyento ni Sec. Herbosa at imihayag ang commitment ng DOT na gawing primyadong tourist destination ang bansa.
Samantala, sinabi din ng DOH na ang naturang kolaborasyon ay nagpapakita ng dedikasyon ng pamahalaan na mapaganda pa ang kabuuang tourism experience habang sinisiguro ang kaligyasan at kalusugan ng lokal na komunidad at mga bumibisita sa bansa.