Nagsilbing stabilizing period ang unang isang daang araw ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pwesto, ito ang inihayag ni House Ways and Means Chair at Albay Representative Joey Salceda sa kabila ng nangyayaring global disruption.
Ayon kay Salceda, maingat at naging maagap ang naging pagtugon ng Pangulong Bongbong Marcos sa mga kritikal at mahahalagang isyu ng bansa mula nang siya ay maupo sa pwesto.
Kabilang na dito ang usapin ng agricultural imports, tax policy, at pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Salceda na malaking bagay din ang pagtatalaga ng Pangulo ng competent appointments ng mga cabinet members, drama-free management sa pagtugon sa kalamidad, at ang pagtutok nito sa sektor ng agrikultura.
Siniguro din ni Salceda na kaisa siya sa pagtatrabaho sa mga key legislative priorities ng Pangulong Marcos Jr.









