-- Advertisements --

Aabot na sa 10 ang bilang ng fireworks-related injuries na naitala sa buong Pilipinas isang linggo bago ang Bagong Taon.

Base sa inisyal na report ng Department of Health (DOH) nitong araw, 10 ang reported injuries na naitala ng 61 health centers mula noong alas-6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang alas-5:59 ng umaga ng Disyembre 26.

Sa 10 kaso, dalawa rito ang mula sa Bicol Region at Metro Manila; tig-isa sa Central Luzon, Calabarzon, Western Visayas, Central Visayas, Davao Region, at Soccskargen.

Sinabi ng DOH na 90 percent, o siyam sa mga sugatan ay nakauwi na sa kanilang bahay matapos na gamutin.

Tanging isa lamang sa ngayon ang nagpapagaling pa sa ospital, ayon sa kagawaran.

Samantala, sinabi ng DOH na wala namang naitatala pang firework ingestion at stray bullet incidents.