-- Advertisements --
Nagnegatibo sa drugtest si Finnish Prime Minister Sanna Marin.
Sinabi ng kaniyang tagapagsalita na ito ang ang naging resulta ng paglabas ng kaniyang drug test noong nakaraang mga araw.
Sumailalim ang 36-anyos na Prime Minister matapos ang paglabas ng kaniyang video nito na sumasayaw at sobrang kalasingan.
Una ng iginiit nito nakaiinom lamang siya ng mga oras na iyon at hindi ito gumagamit ng iligal na droga.
Magugunitang kumalat ang video ni Marin kasama ang ilang mga Finnish artist at singers habang nagpa-party.