-- Advertisements --

Kinumpirma ng Finland na nag-applay na sila bilang maging miyembro ng North Alantic Treaty Organization (NATO) .

Ito ay kahit na ilang beses na silang binantaan ni Russia President Vladimir Putin.

Tinawag ni Finland President Sauli Niinisto na isang makasaysayan kung saan ang nasabing paglipat ng polisiya ay bilang kasagutan nila sa paglusob ng Russia sa Ukraine.

Tiniyak naman ng mga foreign ministers ng NATO na kanilang bibilisan ang pagproseso ng aplikasyon ng Finland.

Tiwala naman si Finnish Prime Minister Sanna Marin, na mabilis na maaprubahan ng kanilang parliamento ang nasabing aplikasyon nila sa NATO.

Nakatakda rin ianunsiyo ng Sweden ang kanilang aplikasyon sa NATO.