Pormal ng nagsumite ng aplikasyon ang dalawang Nordic countries na Finland at Sweden para umanib sa North Atlantic Treaty Organization ( NATO) na isa sa itinuturing na biggest geopolitical consequencies ng Russian invasion sa Ukraine.
Personal na tinanggap ni Nato secretary general, Jens Stoltenberg ang membership application ng karatig na Nordic countries sa headquarters ng US-led defensive military alliance sa Haren sa north-east ng Brussels.
Pinuri din ng Nato official ang naging hakbang ng Finland at Sweden bilang historic step.
Naktakda namang makipagkita bukas, Mayo 19 sina Finnish president, Sauli Niinistö, at Swedish prime minister, Magdalena Andersson kay US President Joe Biden sa Washington para pag-usapan ang membeship application ng kanilang bansa at para sa European security.