-- Advertisements --
Sumuko sa District Attorney ng New York si Allen Weisselberg ang chief financial officer ni dating US President Donald Trump.
Nahaharap kasi sa tax crimes ang kumpanya ni Trump.
Ayon sa abogado ng 73-anyos na si Weisselberg na plano nitong maghain ng not-guilty plea.
Ang Trump Organization ay holding company ng dating pangulo na nagmamay-ari ng mga hotels, golf clubs at ibang mga ari-arian.
Ayon sa kasong inihain ni District Attorney Cyrus Vance na maaring nakinabang ang mga opisyal ng kumpanya ni Trump gaya ng apartment rentals o car rentals ng hindi inilalabas ng tama ng kanilang mga buwis.










