Natanggap na ng maliliit na retailer ng bigas na naapektuhan ng rice price ceilings, ang isa pang set ng cash payout na idinaraos sa ilang pampublikong pamilihan sa Metro Manila at Zamboanga del Sur.
Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, ang pamamahagi ng P15,000 cash grants sa mga apektadong rice retailers ay ipinapatupad na ngayong araw sa munisipalidad ng Pateros at mga lungsod ng Navotas, at Parañaque sa National Capital Region gayundin sa Zamboanga del Sur.
Sinabi ng DSWD chief na ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) ang nagtukoy sa 337 benepisyaryo na tatanggap ng cash aid kasama ang 15 rice retailers sa Pateros, 161 sa Navotas, 129 sa Parañaque, at 32 sa Zamboanga del Sur.
Ang cash assistance sa mga apektadong rice retailers ay kinuha mula sa pondo ng DSWD’s Sustainable Livelihood Program (SLP), na inaprubahan ni Pangulong Marcos bago magkabisa noong Setyembre 5 ang Executive Order No.
Layunin ng price cap na kontrolin ang pagtaas ng presyo ng bigas sa mga merkado.
Aniya, tumulong ang Department of Interior and Local Government sa pamamahagi ng cash grant.
Habang nagpapatuloy naman ang cash assistance ng DSWD para sa mga micro retailer, nagpulong ang DSWD at DTI para talakayin ang listahan ng mga benepisyaryo para sa natitirang bahagi ng NCR at sa mga probinsya.